-- Advertisements --

Nanawagan sa Malacanang at sa liderato ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang isang kongresista na bilisan ang pag-apruba sa panukalang batas na magsususpinde sa ipinapataw na excise tax sa langis, unbundling ng presyo ng mga produktong petrolyo at iba pang panukalang magpapagaan sa pasanin ng taumbayan.


Ginawa ito ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate ngayong nakatakdang maka-apekto sa mga consumers ang nakatakdang pinakamalaking oil price hike sa bansa dahil sa sigalot ngayon sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Ayon kay Zarete, mapapababa ang presyo ng mga produktong petrolyo nang medium at long term sa pamamagitan nang pagsasabatas sa tatlong panukalang batas na magpapalaya sa bansa sa mga kamay ng mga oil cartel.

Kabilang sa mga panukalang batas na ito ay ang regulation ng dounstream oil industry, centralized procurement ng langis at muling pagbili ng pamahalaan sa Petron na nakapaloob sa ilalim ng House Bill Nos. 4711, 244 at 4712.

Naniniwala si Zarate at ilan pang mga miyembro ng Makabayan bloc sa Kamara na kailangan bilisan ng Mababang Kapulungan ang pag-asikaso sa tatlong panukalang batas na ito para maprotektahan ang taumbayan sa pagsiril ng mga produktong petrolyo sa harap ng Russo-Ukraine war at sa epekto na rin ng pendemya.

“Up to 95 percent of the country’s petroleum requirements are imported, rendering the country exceedingly vulnerable to the dictates of big transnational corporations,” ani Zarate.

he worst implication of this is that our severe dependence on such corporations, which control not only the importation, refining, and retailing of crude and petroleum products from abroad, but also control the exploration, exploitation, refining, retailing, and even re-exportation of our country’s indigenous petroleum and petroleum-based products,” dagdag pa niya.