-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Dapat na sabayan ng sipag, determinasyon at tiyaga ang mga pampasuwerte ngayong 2023 Year of the Water Rabbit upang suwertehin.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Master Hanz Cua, feng shui expert na ang Lucky color ngayong 2023 ay blue.

Ang pagsusuot ng kulay blue ay dapat sabayan ng sipag, tiyaga at determinasyon kabilang ang diskarte upang umunlad at suwertehin sa buhay.

Itapon din ang mga lumang gamit, palitan ang mga bedsheets, punda ng unan at kurtina ng bahay.

Dapat din na punuin ang mga lagayan ng asin, asukal, bigas, LPG at water dispenser sa bagong taon.

Magbigay ng ampaw na may lamang pera sa mga kamag-anak at mga kaibigan.

Magpost ng mga good vibes sa social media at ibahagi ang blessing sa ibang tao.

Dapat na magbayad ng utang at iwasan din ang pag-utang sa bagong taon.