CAUAYAN CITY – Apat na unexploded ordnance at isang vintage bomb ang narekober ng mga otoridad sa bayan ng Gattaran, Cagayan.
Sa ulat ng PNP Gattaran, narekober ang mga nasabing bomba ng pinagsanib pwersa ng K9 Unit at 2nd Manuever Force Platoon ng Provincial Mobile Force Company sa magkahiwalay na lugar sa bayan ng Gattaran.
Ang apat na unexploded Ordnance (UXO) ay narekober sa tahanan ni Honesto Buenio ng Brgy Centro Sur, Gattaran, Cagayanhabang ang isang vintage bomb naman ay narekober sa isang abandonadong bahay sa Zone 2, Takiki, Gattaran, Cagayan.
Ayon sa pulisya, nadiskubre ni Ginang Visitacion Molina ang nasabing bomba sa naturang lugar habang ang mga UXO ay itinawag ng isang concerned citizen sa Centro Sur, Gattaran, Cagayan.
Ang mga nadiskubreng bomba ay nasa pag-iingat pa rin ng Cagayan Provincial Explosive Ordnance Division at K9 unit para sa kaukulang disposisyon.