Bumaba sa ikalawang quarter ng 2022 ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng involuntary hunger– o pagkagutom dahil sa kakulangan ng pagkain.
Sa talaan ng Social Weather Stations (SWS) survey mula 3.1 milyon, nasa 2.9 milyon na ang mga Pinoy na nakaranas ng gutom sa ikalawang quarter.
Ang resulta ng survey na isinagawa mula Hunyo 26 hanggang 29 ay nagpakita na 11.6 percent ng mga pamilyang Pilipino, o tinatayang 2.9 milyong pamilya, ang nakaranas ng gutom at walang makain kahit isang beses sa nakalipas na tatlong buwan.
Nagmula sa Metro Manila ang may pinakamataas na bilang sa mga naggugutom na umabot sa 636,000 families mula sa 501,000 families.
Bumaba naman ang bilang ng mga naggutom sa Visayas na nasa 272,000 families nalang mula sa 373,000 families.
Ngunit sa Mindanao, tumaas ang bilang ng mga pamilyang naggugutom kung saan nakapagtala ito ng 816,000 families mula sa 761,000 families.
Ang Second Quarter 2022 Social Weather Survey ay isinagawa mula June 26 to 29, 2022, gamit ang mga face-to-face interviews sa 1,500 na nasa hustong gulang (18 taong gulang pataas) sa buong bansa.
-- Advertisements --