-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang mga paaralan at silid-aralan na sinira ng nagdaang bagyong Paeng sa bansa.

Ayon sa Department of Education (DepEd), nasa 261 paaralan na ang nakapagtala ng pinsala sa pananalasa ng bagyo.

Iniulat din ng ahensiya na ansa 381 na mga silid-aralan na ang totally damaged o winasak ng bagyo habang nasa 528 paaralan naman ang ginagamit pa rin ngayon bilang evacuation centers.

Sinabi naman ni DepEd spokesperson Michael Poa na ang naturang bilang ng mga paaralang nasira ay posibleng madagdagan pa dahil sa nagpapatuloy na assessments at nakakalap na ulat mula sa field offices ng DepEd.

May ilang mga lokal na pamahalaan na rin ang nagdeklara ng suspensiyon ng klase dahil sa naging epekto ng bagyo at iba pang sakuna na tumama sa bansa.