-- Advertisements --

Nagsalita na ang isang agent ng umano’y investment scam sa Davao del Norte matapos sugurin ng nagpakilalang investors nito ang bahay ng may-ari nito.

Ayon kay Bernard Gortina, ahente ng Rigen Matanao – Digos City branch, nai-remit na nila ang pera ng naturang investors sa kanilang central offfice sa Tagum City.

Ipinakita rin nito ang mga dokumentong magpapatunay na natanggap ng naturang opisina ang kanilang koleksyon.

Sa hiwalay na pahayag sinabi ng chief executive officer ng Rigen na si Paul Auditor na ire-refund nila mula August 15 ang pera ng mga miyembro na magnanais kunin ang kanilang mga investment.

Nanawagan din ito sa mga investors na kumalma at idaan sa maayos na usapan ang kanilang apela.

Ani Gortina, maging siya ay biktima rin ng sinasabing scam.

Kung maaalala, maraming nagreklamo laban sa Rigen matapos umanong mabigo ang kompanya na ibalik ang tubo ng kanilang investments.