-- Advertisements --

LA UNION – Naghihigpit na ng sintoron ang mga overseas Filipino workers (OFWs) sa Riyadh dahil wala pa umano silang natatanggap na tulong.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Warren Morcillo, tubo ng Nueva Ecija at OFW sa Riyadh, sinabi nitong nangangamba sila para sa kanilang sarili dahil wala pa silang natatanggap na ayuda mula sa Pilipinas kung saan mag-uumpisa na ang lockdown dito sa susunod na linggo.

Bagamat may mga naibigay sa kanila na mga numero na puwedeng tawagan mula sa Pilipinas ngunit wala umanong sumasagot gayundin sa nasabing bansa.

Samantala, maganda naman umano ang serbisyo ng mga hospital dito kung saan tinatawagan nila at sila mismo ang kumukuha sa mga may sintomas ng Coronavirus disease (COVID-19).

Gayunman, may mga Pinoy nurse na rin umanong nahawaan ng virus dahil sa sila ang mas nakatutok sa mga pasyente.