-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Kinasuhan na ang ilang mga aktibong politiko at maging kaanak nito dahil itinuro na sangkot pagtambang patay kay Lumbaca Unayan Mayor Somerado Guro at maybahay na si Rohaifa Guro sa Barangay Iponan,Cagayan de Oro City.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni City Police Director Col Henry Dampal na kasong murder at frustrated murder ang kanilang nila laban sa maraming personalidad na nasangkot pag-ambush sa mag-asawa at ikinasugat ng mga kaanak nila habang pauwi sana sa Lanao del Sur noong Hunyo 3,2020.

Inihayag ni Dampal na natuklasan na mayroon nang matagal na alitan ang alkalde at ang ilang aktibong politiko na tinukoy ng kanyang pamilya na nasa likod ng kremin.

Samantala,kinompirma rin sa kapatid ni Mayor Somerado na si Omira Guro na naisampa na sa piskalya ang kaso.

Inihayag ni Guro na ang kanila umanong bise-alkalde kasama ang maybahay at no.1 municipal councilor ang isinangkot nila sa kremin kung saan nag-hire umano ng motorcycle in tandem suspects para iligpit ang mga biktima.