-- Advertisements --

Maaaring makapag-avail ng mga benepisyo mula sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang mga maoospital dahil sa heat exhaustion o heat stroke.

Ang mga miyembro na na-admit sa alinmang ospital na accredited ng Philhealth dahil sa naturang karamdaman ay kwalipikadong makatanggap ng benefit package na nagkakahalaga ng hanggang P6,500.

Kalakip dito ang P4,550 para sa hospital fees at P1,950 para sa professional fees.

Kaugnay nito, nagpaalala ang Philhealth sa mga miyembro na mag-extra ingat laban sa mga karamdamang may kinalaman sa mainit na panahon sa pamamagitan ng paglimita ng mga aktibidad sa labas ng bahay, pag-inom ng maraming tubig at iwasan ang pag-inom ng iced tea, soda, kape o alak.