Lumobo na sa 121 ang bilang ng mga namatay dahil sa pananalasa ng Severe Tropical Storm Paeng.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ito ay mula sa 110 na bilang kahapon.
Karamihan pa rin sa mga namatay ay mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na mayroong 61 na namatay.
Sinundan ito ng Western Visayas na mayroong 29 at Calabarzon na may 12.
Pero nasa 92 lamang ng mga napaulat na namatay ang kumpirmado habang ang nalalabing bilang ay patuloy na bina-validate.
Nasa 103 katao naman ang napaulat na nasugatan at 36 pa ang nawawala.
Umabot na rin sa kabuuang 3,180,132 individuals o 927,822 families sa 7,341 barangays sa buong kapuluan ang apektado ng bagyong Paeng.
Sa naturang population, nasa 176,337 na katao o 49,698 families ang nananatili sa 2,904 evacuation centers habang 692,941 katao naman o 277,825 families naninirahan sa iba pang lugar.