Patuloy na naitatala ng China ang paglobo ng isang respiratory illness partikular na sa mga kabataan.
Ang mga kabataan ay nakakaranas ng hirap sa paghinga na kung saan ito ay nangangailangan na ng oxygen mask.
Hinikayat ng mga doktor ang mga magulang na humingi ng medical aid sa lalong madaling panahon kung ang kanilang mga anak ay nagpapakita ng anumang mga sintomas, lalo na para sa mga sanggol na wala pang tatlong buwang gulang.
Matatandang na ang respiratory illness spike sa nasabing bansa ay naging isang global issue noong nakaraang linggo kung saan ang World Health Organization (WHO) ay humingi ng karagdagan pang impormasyon sa China, na binanggit ang isang ulat ng hindi natukoy na pneumonia sa mga kabaaan.
Sa kasalukuyan, ay nagsasagawa pa din ang WHO na masusing pag-aaral ukol sa nararanasang sakit ng mga kabataan sa China.