-- Advertisements --
Nasa halos 62 milyon na ang mga nagparehistro para makaboto sa 2022 elections.
Sinabi ni Commission on Election (Comelec) spokesperson James Jimenez na noon pang Hunyo ay naabot na nila ang initial target na mayroon apat na milyon na bago at reactivated voters.
Pinuri rin nito ang mga humahabol na magparehistro na nagtitiis sa mahabang pagpila para hindi maabutan ng deadlines.
Magugunitang nanawagan ang ilang mambabatas kung maaari ay palawigin ang deadline ng voters registration ng hanggang isang buwan dahil ito ay magtatapos na sa Setyembre 30.