-- Advertisements --

Nananatiling pinakamataas na bilang ng nabubuntis ay nasa edad 10 hanggang 14 anyos na nasa kabuuang 2,000 noong 2022 ayon sa Commission on Population and Development (POPCOM).

Ginawa ng ahensiya ang naturang pahayag matapos na iulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang teenage pregnancy sa mga pilipinong edad 15 hanggang 19 anyos ay bumaba mula 8.6% noong 2017 sa 5.4% noong 2022.

Ayon naman sa young adult fertility and sexuality survey ng population institute , lumalabas na bumaba din ang teenage pregnancy mula sa 13% sa 6.7%.

Binigyang diin naman ni popcom Deputy Executive Director Lolito Tacardon na ang pagbaba sa pregnancy rate sa mga kabtaas ay maaaring maiuugnay sa pagluluwag na ng mga restriksiyon mula sa COVID-19 pandemic kung saan karamihan ng mga interactions ay sa online.