-- Advertisements --

Lumobo na sa 19 ang bilang ng mga biktima ng paputok sa buong bansa ayon sa Department of Health (DoH) ilang araw bago ang pagsalubong ng Bagong Taon.

Sa latest data ng DoH ngayong araw, siyam na ang mga bagong biktima na nadagdag sa kanilang talaan.

Pinakamaraming naitalang biktima ay sa National Capital Region (NCR) na may apat na.

Sinundan ito ng Region 1 at Region IV-A na nakapagtala ng tig-tatlo.

Dalawa naman ang naitala sa Region 7 at tig-iisa sa Region IV-B, Regions 5, 6, 11 at 12.

Pinakamarami pa rin ang nabiktima ng boga na umabot sa apat na biktima.

Tatlong biktima naman ang naitala gamit ang luces.

Disyembre 21 nang umpisahan ng DoH ang pag-monitor sa firecrackers-related injury sa ilalim ng kampanyang “Iwas paputok, Iwas Putol, Community Fireworks ang Patok.”