-- Advertisements --

Nasira ang mga missiles ng Russia matapos ang naganap na pagsabog sa Crimea.

Ayon sa mga otoridad na inatake umano ng drones ang nasabing lugar.

Inanunsiyo ng Ukraine ang insidente subalit hindi nila inako ang nasabing insidente.

Dahil sa pagsabog ay nasira ang Kalibr-NK cruise missiles na ilalagay sana sa mga barkong pandigma ng Russia sa Black Sea.

Ang Crimea kasi ay siyang lugar na sinakop na ng Russia mula pa noong 2014.

Sakaling makumpirma na ang Ukraine ang nasa likod ng atake ay nagpapakita na lumakas pa ang puwersa nila.