-- Advertisements --

Nais ni Deputy Majority Leader at ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo na dapat i-deploy ang mga military assets ng bansa West Philippine Sea.

Tinukoy ng mambabatas ang mga fighter jets na galing sa South Korea na mahalagang gamitin para sa pagpapatrolya sa himpapawid ng West Philippine Sea.

Sa nasabing hakbang ay maipapakita na mayroong kakayahan ang Pilipinas sa bantayan ang West Philippine Sea na inaangkin na rin ng China.

Reaksyon ito ng mambabatas sa patuloy na ginagawang harassment ng barko ng China sa mga mangingisda ng bansa na naglalayag sa West Philippine Sea.