-- Advertisements --
image 144

Hindi maaaring magrehistro bilang sim card owners ang mga menor de edad ayon sa National Telecommunications Commission (NTC).

Ito ang paglilinaw ni NTC consultant Edgardo Cabarrios dahil ipinagbabawal aniya ito sa batas.

Sa ilalim kasi ng SIM Registration Act, ang lahat ng mobile subscribers ay kailangang magpatala ng kanilang SIM cards sa loob ng 180 araw o 6 buwan mula sa effectivity nito sa Disyembre 27. Sinumang mabigong magparehistro na ibinigay na palugit ay magreresulta sa deactivationg ng SIM cards.

Kapag ang magpaparehsitro ay menor de edad, kailangan aniyang magpresenta ng consent ng magulang o guardian at sa kanila ipapangalan ang SIM.

Samantala ang mga banyagang turista naman na bibili ng simcards sa bansa ay kailangan ding magparehistro.

Kailangan lamang magpresenta ng pasaporte at proof of address kung saan ito mananatili sa bansa.

Magiging aktibo ang kanilang sim cards sa loob ng 30 araw.

Kapag ma-extend naman ang pamamalagi nito sa bansa kailangang magpresenta ng katibayan para mag-extend ang validity ng biniling SIM sa Pilipinas.

Maaaring magrehistro online sa pamamagitan ng pag-fill up ng forms sa websites ng telecommunication caompanies.