-- Advertisements --

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na magtalaga ng mga medical corps dahil sa dumaraming mga health workers na dinadapuan ng COVID-19.

Sa kaniyang ikalawang talk to the nation nitong linggo, sinabi ng pangulo na dumami na naman ang bilang ng mga health workers ang nagkakasakit at napupuno na ang mga pagamutan kaya nararapat na maghanda ang PNP at AFP ng kanilang medical corps.

Nagtalaga na rin si Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana ng mga nurses sa St. Lukes Medical Centers.

Dagdag pa ng kalihim, mayroong mga ibang nurses na darating pa na kanilang ipapahiram din.