Inaabisuhan ang mga mangingisda gayundin ang maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot matapos na itaas ang gale warning sa karamihan ng mga baybayin sa bansa dahil sa epekto ng northeast monsoon o amihan.
Partikular sa may seaboards ng Luzon at sa may eastern seaboards ng Visayas at Mindanao.
Nakataas ang gale warning sa Batanes, Babuyan Islands,Cagayan,Isabela, Aurora, Quezon, Polillo Islands, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan, Zambales, Bataan, Metro Manila, Cavite, Batangas
Gayundin sa Mindoro Provinces, Palawan, Kalayaan Islands,Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes ,Albay, Burias Island, Sorsogon, Marinduque, Northern Samar, Eastern, Samar, Eastern coast ng Siargao at Bucas Grande Islands
inaasahan na magdadala ang amihan ng maulap na kalangitan at mahinang pag-ulan sa Luzon habang sa Visayas naman ay makakaranas ng localized thunderstorms dahil sa shear line.
Sa ngayon, walang namamataang anumang masamang lagay ng panahon na makakaapekto sa bansa.