Magiging dalawang taon na lamang ang termino ng panunungkulan ng mga mananalong kandidato sa halalan para sa Barangay at Sangguniang Kabataan sa Oktubre ngayong taon.
Ito ay matapos na ideklarang ng Korte Suprema bilang unconstitutional ang Republic Act 11935 na nagpapaliban sa panahon ng halalan para sa barangay at SK mula sa orihinal na schedule nito noong Disyembre 2022 hanggang huling araw ng Lunes sa Oktubre 2023.
Ayon sa Korte Suprema, dahil idineklarang unconstitutional ang RA 11935, muling binuhay ang RA 11462 na nagpapaliban sa May 2020 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections na naglilimita sa termino ng mga nanalong local officials hanggang noong Disyembre 31 na lamang sana ng 2022.
Ito ay nangangahulugan na dapat noong isang taon pa umupo sa pwesto ang mga nanalong opisyal ngunit dahil sa ipinagpaliban nanaman ang halalan noong nakalipas na taon ay nagamit na ng mga ito ang halos isang taon sa kanilang panunungkulan sa darating na halalan sa Oktubre.
Kayat ang magiging susunod na local election ay idaraos sa taong 2025.
Sa ngayon, ayon sa Comelec nasa 95 porsyento ng handa ito para sa halalan sa Oktubre kung saan kailangan na lamang na mag-imprinta ng karagdagang mga balota at sanayin ang mga guro para sa halalan.