-- Advertisements --
Isinulong ng iba pang mga mambabatas sa House of Representatives ang panukalang batas para mahikayat ang Commission on Elections (Comelec) sa hiling na palawigin pa ang voters registration.
Aprubado nina Speaker Lord Allan Velasco kasama sina Majority Leader Martin Romualdez at Minority Leader Joseph Stephen Paduano ang House Bill 10261 na nag-aatas sa Comelec na palawigin pa ng isang buwan ang September 30 deadline ng voters registration.
Ang panukalang batas ay kahalintulad din sa ipinasa ng mga senador sa parehas na araw.
Target ng dalawang lider ng kongreso na bilisan ang pagpasa ng nasabing mga panukalang batas.
Paliwanag ng mga mambabatas na nararapat na palawigin ang voters registration dahil nasa COVID-19 pandemic ang bansa.