-- Advertisements --
Bumilis pa ang bagyong Amang habang nananatili sa silangang bahagi ng Pilipinas.
Batay sa data ng Bombo Weather Center, huli itong namataan sa layong 270 km sa silangan ng Virac, Catanduanes.
Kumikilos ang bagyong ito nang pakanluran sa bilis na 30 kph.
Taglay ang lakas ng hangin na 55 kph malapit sa gitna at may pagbugsong 70 kph.
Dahil dito, nakataas na ang tropical cyclone wind signal No. 1 sa Catanduanes, Sorsogon, Albay, Camarines Sur, Camarines Norte, Quezon, kabilang na ang Pollilo Islands, Marinduque, Masbate, Ticao Island at Burias Island, pati na ang Eastern Samar, Northern Samar, Samar at Biliran.