-- Advertisements --
Dinapuan ng COVID-19 ang apat na lion sa Singapore wildlife park.
Nakuha ng mga ito sa zookeeper ng Night Safari na unang nagpositibo sa nasabing virus.
Nagkaroon umano ng sintomas ang zookeeper gaya ng pag-ubo at sipon.
Nakitaan ng sintomas ang endangered Asiatic lions noong weekends kaya minabuti na ang mga ito ay sumailalim sa COVID-19 testing.
Naka-isolate na ngayon ang mga ito kasama ang limang iba na binabantayan ng mga beteranaryo ng gobyerno.










