-- Advertisements --
bigas palengke rice

Nagbabala ang opisyal ng Department of Trade and Industry (DTI) na pagmumultahin ng hanggang P1 million ang mga lalabag sa price cap sa bigas na ipapatupad na sa susunod na linggo.

Ayon kay Trade Assistant Secretary Agaton Uvero, nasa P5,000 ang minimum na multa habang maximum naman ay nasa P1 million.

Maliban pa dito maaaring maharap ang mga lalabag sa kasong administratibo.

Bagamat mabigat aniya ang parusa, susundin pa rin aniya ang due process sa paglilitis sa mga lumabag bago sila parusahan.

Kung saan papadalhan ng sulat o notice ang isang lumabag na retailer para magpaliwanag.

Sinabi din ng opisyal na simula din sa Martes, mag-iikot ang DTI, DA at mga opisyal ng lokal na pamahalaan para imonitor ang mga pangunahing pamilihan sa malalaking siyudad kung sumusunod ang mga ito sa ipanataw ng pamahalaan na price cap sa regular milled rice na P41 kada kilo at P45 kada kilo naman para sa well-milled rice.