-- Advertisements --
CESSNA PLANE ISABELA

Nadala na ng mga otoridad sa Cauayan City Airport ang mga labi ng mga biktimang sakay ng bumagsak na Cessna plane sa lalawigan ng Isabela.

Ito ay matapos ang matagumpay na retrieval operations sa mga bangkay mula sa nasabing lugar.

Ayon sa tagapagsalita ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na si Joshua Hapinat, bandang alas-8:39 kaninang umaga nang lumapag ang chopper na pinaglulanan ng mga bangkay sa Tactical Operations Group 2.

Kung maaalala, una nang iniulat ng mga kinauukulan na ang masamang timpla ng panahon ay nagdulot ng pahirapang paglilipat sa mga labi ng mga biktima ng cessna plane mula sa bayan ng Divilacan papuntang Cauayan.

Matatandaang, Enero 24, 2023 napaulat na nawawala ang nasabing eroplano na natagpuan lamang pagkalipas pa ng 44 na araw.