-- Advertisements --
May mga hakbang ng ginawa ang bagong talagang administrator ng National Food Authority (NFA) laban sa mga reklamo ng katiwalian.
Ayon kay NFA Acting Administrator Larry Lacson, na kaniyang inaksyunan ang mga reklamo laban sa ilang empleyado nito.
Bagamat kakaupo lamang nito ay tiniyak niya na lilinisan ang pangalan ng opisina.
Magugunitang ilang mga empleyado at opisyal ng NFA ang tinanggal dahil umano sa sangkot ang mga ito sa iba’t-ibang katiwalian.