-- Advertisements --

Magpapabago sa dynamic situation sa pinagtatalunang karagatan at sa Indo-pacific region ang mga kasunduan sa trilateral summit sa pagitan ng Pilipinas, Japan at Amerika ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Saad pa ng Pangulo na lubhnag mahalaga nag trilateral agreement sa dynamic na nakikita sa rehiyon, ASEAN at sa disputed waters.

Nagpahayag din si Pangulong Marcos kasama sina US Pres. Joe Biden at Japan PM Fumio Kishida ng seryosong pagkabahala sa mapanganib at agresibong aksiyon ng china sa West PH Sea na lagusan ng mahigit $3 trillion na halaga ng taunang ship-borne commerce kung saan may maritime disputes ang China at iba pang bansa.

Sa kabila nito, inihayag ni Pang.Marcos na ang naturang summit ay hindi laban sa anumang bansa subalit nakatuon sa pagpapalalim pa ng economic at security relations ng PH, US at Japan.

Nitong Biyernes nga oras sa Amerika, natapos na ang official working visit ni Pangulong Marcos sa Washington. DC na pagtatapos din ng makabuluhang engagement ng pangulo na hangaring mapalakas ang ugnayan at maisulong ang shared interests sa pagitan ng PH at mga kaalyado nitong bansa na Japan at US.

Sa ngayon biyahe na ang Pangulo pauwi ng PH.