-- Advertisements --

MADRID, Sapain – Nagpairal muli ng paghihigpit ang mga health officials sa Spain dahil sa nakitang trend ng pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ang kanilang bansa kasi ang may pinakamabilis na paglobo ng bilang ng nagpopositibo sa coronavirus, mula sa mga bansa sa Europa.

Lumilitaw na 142 positive cases ang naitatala sa kada 100,000 inhabitants sa loob lamang ng dalawang linggo.

Nakita ang trend sa muling pagdami ng tinatamaan ng virus mula nang luwagan ang lockdown.

Mabilis ding dumami ang bagong kaso ng sakit, matapos ang mga kilos protesta ng mga kontra sa mandatory na paggamit ng face mask. (BBC)