-- Advertisements --

Nagbigay ng kani-kanilang saloobin sa ilang usapin ang siyam sa 10 mga kandidato sa pagkapangulo sa bansa sa unang bahagi ng Pilipinas Debates 2022 na inorganisa ng Commission on Elections (Comelec).

Tinanong ang mga ito kung ano ang solusyon para agad na magkaroon ng trabaho ang mga fresh graduates.

Sinabi ni dating presidential spokesperson Ernesto Abella mahalaga ang pagkakaroon ng programa na magiging tulay para sa mag-aaral na tinamaan ng pandemiya.

Papalakasin naman ni labor leader Leody De Guzman ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na magsasanay sa mga mag-aaral.

Nais naman ni Manila Mayor Isko Moreno na pag-ibayuhin ang Science, Technology, Engineering and Mathematics Education Program (STEM) programs at agricultures para sa mga state universities.

Habang inamin naman ni dating Defense Secretary Norberto Gonazales na matatagalan pa bago turuan ng panibagong kaalaman ang isang estudyante.

Nanawagan naman si Senator Panfilo Lacson ng pagluluwag ng restrictions para agad na makabalik ang mga trabahong nawala dahil sa pandemiya at mahalaga rin ang pagsulong ng work-from-home setup.

Magbibigay naman ng capital si Faisal Mangondato sa mga walang trabahong Filipino para sila ay makapagsimula ng kanilang negosyo.

PInuna naman ni Atty. Jose Montemayor Jr na isa ring doctor ang mga pagpipilit na magpabakuna ang mga hindi bakunado para makapagtrabaho na siyang nagiging dahilan tuloy ng kanilang pagkakahawa.

Pagtutuunan naman ni Senator Manny Pacquiao ang paggawa ng mga trabaho, habang nais naman ni Vice President Leni Robredo na taasan ang spending sa edukasyon na naaayon sa rekomendasyon ng United Nations.

Sa usapin naman ng 4-day work week, iminungkahi ni Lacson ang pagkakaroon na lamang ng 10 oras imbes na walong oras na trabaho sa loob ng isang araw.

Habang nanghihinayang naman si Montemayor sa tatlong araw na walang pasok ang isang empleyado.

Ayon naman kay Moreno na depende naman sa mga industriya kung saan inihalimbawa nito ang mga Business Processing Outsourcing (BPO) na maaari silang magtrabaho sa kanilang bahay at ang ilang mga industriya ay mahalaga na dapat ay nandoon sa lugar ang isang empleyado.

Nais naman ni De Guzman ang pagkakaroon ng 10 oras para makumpleto ang 48 oras sa isang linggo habang si Sen. Pacquiao ay mas nais niya ang pagkakaroon ng hybrid working time kung saan nararapat na magkaroon ng pag-uusap ang lahat ng sektor.

Sang-ayon naman si VP Robredo sa mungkahi nina De Guzman at Pacquiao.

Sa panig naman ni Abella ay dapat hindi magulangan ang mga tao at dapat mabigyan ang mga empleyado ng kanilang karampatang bayad.

Habang sinabi naman ni Gonzaels na depende rin ito sa layunin ng pagpapatupad ng 4-day work week.