-- Advertisements --
Nanawagan ang mga political analyst na dapat ay magpakilala na ngayong kaaga ang mga tatakbo sa 2022 elections.
Sinabi ng mga political analyst at strategist Ramon Casiple at Armand Dean Nocum na dapat tigilan na ng mga kandidato ang kanilang pagpaparamdam.
Magiging advantage aniy ang mga kandidato kung sila ay maagang magdeklara na tatakbo sila sa 2022 elections.
Aminado ang dalawa na nagpaparamdaman ang ilang mga kandidato sa pagkapangulo dahil sa posibilidad na makakalaban nila si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio.










