-- Advertisements --

DAGUPAN – Ilang mga malalapit na kaanak ng namayapang si Dating Pangulong Fidel Ramos ang dadalo sa pasiyam nito sa darating na Agosto 15 o 18 sa bayan ng Asingan.

Sa ngayon ay patuloy pa ring pinag-uusapan ang iba pang mga detalye ukol rito.

Matatandaang kahapon inihatid sa huling hantungan si Ramos sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig.

Samantala umaasa naman ang gobernador ng lalawigan ng Pangasinan na makakausap nito ang pamilya ng namayapang pangulo upang mapagusapan ang mga hakbang na gagawin para mabigyan pa ng pagkilala ang dating pangulo.

Ayon kay Governor Ramon Monmon Guico III na ilan sa mga nakikita nilang maaaring magawa ay ang gawing museo o library ang naging tahanan ng dating Pangulo.

Aniya na kanilang gagawin ang lahat para maipakita sa publiko ang naging legasiya ni Ramos na ikinaunlad hindi lamang ng lalawigan bagkos ay ng buong bansa.