-- Advertisements --

Babantayan daw ng mabuti ng Japan ang implementasyon ng national security law sa Hongkong dahil sa banta na posibleng maapektuhan nito ang kanilang mga itinayong negosyo sa rehiyon.

Ito’y matapos ipahayag ni Japan’s Foreign Minister Motegi Toshimitsu ang kaniyang pagkadismaya sa naturnag hakbang ng China. Ikinakatakot aniya nito ang pagkasira ng “one country, two systems” framework.

Ayon naman kay Defense Minister Kono Taro na magkakaroon ng epekto ang naturang batas ang plano ni Chinese President Xi Jinping na bumisita ng Japan.

Tinatayang nasa 26,000 Japanese nationals ang naninirahan sa Hong Kong habang 1,400 kumpanya naman ng bansa ang nag-ooperate rito.

Noong nakaraang linggo ay inanunsyo ng US na magpapataw ito ng visa restriction sa lahat ng Chinese officials at puputulin na rin ng bansa ang pag-export nito ng mga armas sa Hong Kong.

Subalit nagiging maingat ang Japan sa pagpataw ng sanctions laban sa China. Sa ngayon ay iniisip daw nit na makipagtulungan sa Group of Seven nations upang hikayatin ang China na siguraduhing protektado ang karapatan at mga aktibidad ng mga negosyo ng Japan sa Hong Kong.