-- Advertisements --

Ikinadismaya ng mga kaanak ng nawawalang sabungero ang pagpayag ng korte na makapaghain ng piyansa ang mga akusado.

Sinabi ni Carmen Malaca ang ina ng isa sa mga biktima na si Edgar na labis na nakakasama ng loob dahil sa halos dalawang taon na ay hindi pa nila nakikita ang anak.

Naniniwala ito na iisa ang grupo na nasa likod ng pagdukot sa anak nito.

Magugunitang sinabi ni Senior Deputy State Prosecutor Richard Fadullon na pumayag ang Manila Regional Trial Court na makapaghain ng piyansa ang mga akusado na sina Julie Patidongan, Gleer Codilla, Mark Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Johnny Consolacion, at Roberto Matillano Jr. na nagkakahalaga ng tig-P3 million.