-- Advertisements --

Mariing itinanggi ng mga kongresistang kaalyado ni Speaker Lord Allan Velasco ang umano’y ouster plot laban kay Majority Leader Martin Romualdez.

Ayon kay Deouty Speaker Doy Leachon, walang katotohanan sa bali-balitang ito sapagkat wala namang dahilan para alisin si Romualdez sa posisyon na hawak nito.

Maging si Deputy Speaker Arnulfo Tevez ay iginiit ding mananatiling totoo si Velasco sa “15-21” agreement nila ni dating Speaker Alan Peter Cayetano.

Sa naturang kasunduan, si Romualdez ang tatayong majority leader habang si Cayetano ang uupong House Speaker sa unang 15 buwan ng 18 Congress, at si Velasco naman ang papalit at uupong lider ng Kamara sa loob ng 21 buwan.

Samantala, naniniwala naman si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, kaalyado ng Lakas-CMD, na ang mga umano’y hakban para patalsikin si Romualdez ay “inevitable”, lalo pa at kamakailan lang ilan pang mga kaalyado ang sinibak.

Kabilang rito sina Zamboanga Sibugay Rep. Wilter Palma at Quezon City Rep. Anthony Peter Crisologo.