-- Advertisements --

DAVAO CITY – Inanunsiyo ng Davao City Police Office ang kanilang initial program of activities at ang kanilang security measures para sa darating na mayoral inauguration ni Davao City Mayor-elect Sebastian Duterte sa araw ng Lunes, June 27, 2022.

Nakatakdang manumpa si Mayor-elect baste kay Judge Loida Posadas-Kahulugan sa Sangguniang Panlungsod session hall alas 2:55 ng hapon at pagkatapus ay pupunta ito sa labas ng City hall building para magbigay ng kanyang inaugural speech.

Inihayag ni Davao City Police Office Spokesperson PMaj. Ma. Teresita Gaspan, kanilang ipapatupad ang mga bagay na ipinagbabawal noong Vice-Presidential oath-taking ni Vice President Sara Duterte sa inagurasyon ni Mayor Baste sa Lunes kagaya ng pagbabawal na magdala ng mga backpacks, pagsuot ng jacket, pagdala ng mga matutulis na bagay kasali na ang payong at ng mga alak.

Kahalintulad ng security operations template na ipapatupad sa ginanap na Vice-Presidential oathtaking noong linggo ang ipapatupad rin sa darating na aktibidad, kagaya ng three-tired layer na operasyon.

Subalit, magkaiba ang event ngayong Lunes kung ikumpara sa Vice-Presidential inauguration dahil walang gagawing pag-barikada at pagpapatupad na traffic rerouting, at ito ay magiging bukas sa publiko.

Upang masiguro na mapatupad ng mabuti ang seguridad, mahigit 900 na security personnel na nagmumula sa ibat-ibang security cluster ng Davao City ang ipapakalat.

Inihayag rin ni Gaspan na base sa initial program, darating sa okasyon si Pangulong Rodrigo Duterte at si Vice President Sara Duterte.