-- Advertisements --
Bumalik na ang sigla ng mga hotels sa bansa sa unang buwan ng Enero.
Ayon kay Hotel Sales and Marketing Association president Loleth So na nahigitan ng 153-member hotels nila ang pre-COVID-19 pandemic na umabot sa 80% ang occupancy.
Kumpara noong bagon ang COVID-19 pandemic na mayroon lamang 60-70 percent ang occupancy rates.
Itinuturing na naging malaking tulong dito ay ang pagbubukas ng ekonomiya kung saan maraming mga mag-kakamag-anak ang sabay na nagbakasyon.
Kabilang din dito ang pagganap ng mga meetings, incentives, conferences at exhibitions.
Lumipat na rin ang karamihang miyembro nila sa digital bookings para mabilis ang pagkuha nila ng mga kliyente lalo na kapag ito ay nasa ibang bansa.