-- Advertisements --
PM Sophie Wilmes
Belgian PM Sophie Wilmes/ IG post

Tinalikuran ng mga staff ng ospital Belgium ng dalawin sila ni Belgian Prime Minister Sophie Wilmes.

Unang pumila ang mga nurses at staff ng Saint Pierre hospital at ng dumating ang si Wilmes ay agad silang tumalikod at nilayasan ang Prime Minister.

Pinoprotestta ng mga ito ang kakulangan ng pondo ng pagamutan at ang panukalang batas na pinipilit silang pumasok kahit mayroong coronavirus.

Hiling ng mga ito na sobrang baba na ang kanilang sahod at sila ay hindi pa pinapahalagahan ng gobyerno.

Ayon naman sa tagapagsalita ni Wilmes na umabot sa mahigit 40 minuto ng ito ay nagtalumpati at naging casual lamang ang pakikitungo ng ilang mga kasamahan nito.