-- Advertisements --

Hinikayat ni World Health Organization (WHO) director-general Tedros Adhanom Ghebreyesus ang mga health agency na maging klaro at maging matapat sa pagbibigay update ng COVID-19 pandemic sa publiko.

Aniya, ito lamang ang paraan upang malaman ng bawat mamamayan ang kanilang magiging tungkulin kung paano lalabanan ang virus.

Sinabi din nito na kailangan din ilagay ang sistema sa wasto upang gawing mas madali na sumunod sa mga alituntunin ang publiko.

Ibig sabihin, kailangang gawin daw ng mga pamahalaan ang lahat upang matulungan ang mga indibidwal, pamilya at negosyo.

Kailangang isagawa din ng mga pamahalaan ang mga pangunahing hakbang sa pagsasalita sa mga taong nahawahan ng virus at kanilang mga contact.
Gayundin, binibigyan sila ng mga tiyak na tagubilin sa susunod na gagawin.

Aniya, ang pagkakaisa at pagtutulungan ang siyang susi para malabanan ang virus.