-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang bilang ng mga Gilas Pilipinas Players na lumahok sa ikatlong linggong ensayo ng koponan.

Nitong Lunes ng gabi ay mayroong 14 sa 24-man pool ang nakadalo sa kanilang ensayo sa isang gym sa lungsod ng Pasig.

Kabilang sa mga dumalo ay si naturalized player Justin Brownlee, June Mar Fajardo, Scottie Thompson, CJ Perez, Roger Pogoy, Japeth Aguilar, Chris Newsome, Calvin Oftana, Arvin Tolentino, Jamie Malonzo at Raymond Almazan kabilang din ang mga rookie na sina Mason Amos at Schonny Winston.

Bukod kay coach Chot Reyes ay kasama nitong tumulong sa ensayo ng national basketball team ng bansa si deputy coach Tim Cone.

-- Advertisement --

Sa mga susunod na linggo ay magiging madalas na ang ensayo ng national basketball team para sa last round ng qualifiers sa Pebrero 24 at 27 na makakaharap nila ang Lebanon at Jordan na gaganapin sa Philippine Arena.