Maari ng hindi magsuot ng face mask ang sinumang naturukan na ng dalawang doses ng COVID-19 vaccine sa US.
Ito mismo ang naging payo ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na ang mga fully vaccinated people ay hindi na kailangan ng magsuot pa ng mga mask kapag sila ay nasa labas o maaari rin sila na hindi magsuot ng mask kahit na nasa indoor.
Paliwanag ni CDC Director Rochelle Walensky, na ang nasabing kautusan ay dahil tuluyan ng bumaba ang kaso ng COVID-19 sa US at ang pagdami ng mga natuturukan ng bakuna kabilang na rin ang pagiging epektibo ng mga bakuna.
Ilang araw din nilang pinag-aralan ito bago maglabas ng desisyon.
Kanila pa ring ipinapayo na ang mga fully-vaccinated na tao ay dapat magsuot pa rin ng mga face mask kapag nasa loob ng eroplano, trains at mga matataong lugar gaya sa hospital at iba pa.