Pinalaya na ng Russia ang dalawang American veteran bilang bahagi ng prisoner swap nila ng Ukriane.
Kinumpirma ito ng mga kaanak nina Alexander John-Robert Drueke, 39-anyos mulaTuscaloosa, Alabama at Andy Tai Ngoc Huynh, 27 anyos Hartselle, Alabama.
Ang dalawa ay kasamang lumalaban ng mga sundalo ng Ukraine mula ng lusubin sila ng Russia noong Pebrero.
Bukod pa dito kinumpirma rin ng Saudi Ministry of Foreign Affairs ang pagpapalaya ng 10 preso na mga Morocan, US, UK, Swedish at Croatian nationals.
Maging ang limang British nationals na inaresto ng mga Russia sa eastern Ukraine ay pinalaya na rin.
Sinabi ni British Prime Minister LIz Truss na ang hakbang na ito ng Russia ay isang magandang balita.
Pabalik na rin aniya ang mga pinalayang Britons.
Pinasalamatan din ni Truss si Ukrainian President Volodymyr Zelensky dahil sa mga efforts nito para mapalaya ang mga detainees.