Nasabat ng Bureau of Customs (BoC) ang mga expired gultathione products sa Trece Martires, Cavite.
Aabot sa 52 na karton at aabot sa 260 kilograms ang mga expired na glutathione products.
Base sa assessment, mapanganib raw sa kalusugan ang paggamit ng mga expired nang produkto at kailangan na itong ma-dispose sa pamamagitan ng condemnation para maprotektahan ang publiko.
Ang glutathione ay produktong ginagamit na pampaputi.
Bilang pagsunod naman sa direktiba ng Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero, ipagpapatuloy raw ng BoC ang kanilang pagiging vigilant at sinigurong hindi makakarating sa merkado ang mga expired na produkto lalo na ngayong Coronavirus disease 2019 (COVID-19)
Sinabi naman ni District Collector Carmelita M. Talusan, ang mga “condemned products” ay bahagi ng 16.03 tons ng iba pang illicit, forfeited at smuggled products ang sinira rin ng BoC.