Hinimok ngayon ng mga top executives ng Pag-IBIG Fund ang mga employers na mayroon pang unremitted contributions para sa kanilang mga employees na mag-avail ng penalty condonation program ng ahensiya at i-settle ang kanilang mga obligasyon.
Ito ay para sa kanilang mga obligasyon bago ang pandemic hanggang sa ngayon.
Sinabi ni Secretary Jose Rizalino Acuzar ng Department of Human Settlements and Urban Development at chairperson ng 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees na ang programa ay libre sa ano mang monthly penalty charge sa mga delayed remittances.
Kinikilala rin daw kasi ng Pag-IBIG ang kahalagahan ng papel na ginagampanan ng business communiy para makakuha ang mga Filipino Wokers ng kanilang Pag-IBIG membership.
Malaki raw itong tulong sa ating bansa para maipagpatuloy ang pag-recover ng bansa sa pandemic kaya ginawa nila ang naturang programa.
Kasunod na rin daw ito ng panawagan ni Pangulong President Ferdinand R. Marcos Jr. na mabigyan ng mas magadang serbisyo at pamumuhay ang bawat Pilipino.
Sa ilalim ng charter ng ahensiya, ang mga employers ang siyang may responsibilidad para sa registration at remittance ng mandatory monthly Pag-IBIG contributions ng kanilang mga empleyado na kinabibilangan ng contributions ng employees at ang employer’s counterpart share.
At sa pamamagitan ng penalty condonation program ay puwede na raw i-settle ng mga eligible employers ang mga hindi pa nare-remit na Pag-IBIG contributions ng kanilang mga employees na wala ng penalty charges.
Samantala, sinabi naman ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti na ang layunin ng programa ay para matulugan ang pagpapalakas ng economic activity sa bansa.
Cover din ng programa hind lamang ang unremitted Pag-IBIG contributions ng mga employers noong pandemic pero kasama na rin ang mga unremitted contributions kahit bago pa man magkaroon ng pandemic.