KALIBO, Aklan – Kaagad na lumabs ang mga empleyado ng Aklan Provincial Capitol sa kanilang building, pati na rin ang iba pang mga residente sa gitna ng malakas na pagyanig kanina bago mag alas-8:00 ng umaga.
Nag-evacuate ang karamihan sa mga empleyado ng kapitolyo sa open field sa labas ng gusali.
Ayon sa PHIVOLCS, nagkaroon ng magnitude 6.5 na lindol sa layong 5 kilometers Southwest sa bayan ng Cataingan sa Masbate alas-8:03 ng umaga.
May lalim na 1 kilometer lang ang lindol at tectonic ang origin nito.
Intensity 1V naman ang naramdaman sa Mapanas, Northern Samar; Legazpi City, Albay at Lezo, Aklan.
Intensity III sa Iloilo City at Intensity I sa President Roxas, Capiz.
Ang instrumental intensities ay naramdaman pa sa Masbate City, Masbate na may Intensity V; Intensity IV – Palo, Leyte; Iloilo City; Roxas City, Capiz; Naval, Biliran; Intensity III – Bago City, Negros Occidental; Malinao, Aklan; Jamindan, Capiz; Ormoc City.
Intensity II – Gumaca, Quezon; Sipalay City, Negros Occidental; Valderrama, Antique; Sipocot, Camarines Sur; Talibon, Bohol; San Francisco, Cebu
Intensity I – Malay, Aklan; Gingoog City, Misamis Oriental.
Pilit namang pinakalma ni Engr. Jo Arlo Sabar ng PHIVOLCS-Aklan ang mga mamamayan.
Wala pa namang naitalang pinsala ang pagyanig na ramdam sa Aklan, subalit ilang mga bahay at gusali ang napinsala sa Cataingan, Masbate dahil sa lindol at mga aftershocks.










