-- Advertisements --

Nagsagawa ng random drug tests ang Bureau of Customs (BOC) sa kanilang mga officers at employees pagkatapos mismo ng kanilang flag raising ceremony kaninang umaga.

Ayon sa BOC, ang hakbang na ito ay alinsunod sa mga hakbang na ginagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkaroon ng drug-free workplace sa mga opisina ng pamahalaan.

“The undertaking was coordinated by the Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) and the Customs Anti-Illegal Drugs Task Force (CAIDTF) with the Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Likewise, CIIS and CAIDTF are assisting the chemists from PDEA in collecting urine samples from the employees assigned at the Office of the Commissioner, Port of Manila, and Manila International Container Port,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Deputy Commissioner Raniel Ramiro ng Intelligence Group na ang drug tests na kanilang isinagawa sa kanilang mga empleyado ay alinsunod sa Regulation No. 13, series of 2018, ng Dangerous Drugs Board (DDB).

Nakasaad sa regulasyon na ito ang establishment at institutionalization ng isang drug-free workplace pollicies sa lahat ng government offices.

Ang mga opisyal at empleyado na tumangging sumailalim sa drig testing na walang katanggap-tanggap na rason ay bibigyan ng show cause order mula sa commissioner o sa kinatawan nito.