-- Advertisements --
Nanawagan ang pamilya ni Breonna Taylor sa mga otoridad na isapubliko ang lahat ng body camera footage, police files, at transcripts sa pagdinig ng grand jury sa kaso ng biktima.
Gusto raw kasing malaman ng pamilya ni Taylor kung ano ang naging takbo ng pagdinig at napagdesisyunan ng hukopm na huwag sampahan ng murder charges ang mga pulis na pumatay sa nasabing black American noongh Marso.
Napuno ng galit at dismaya ang mamamayan ng Estados Unidos dahil sa loob ng anim na buwang paghingi ng hustisya para kay Taylor ay hindi ito binigay sa pamilya ng biktima.
Dahil dito ay nangako ang mga raliyista na magpapatuloy ang kanilang nkilos-protesta hanggang sa masampahan ng karampatang kaso ang mga suspek sa insidente.









