-- Advertisements --
psn lists elections comelec 2018 05 14 23 26 32

Upang maiwasan ang anumang aberya ngayong Barangay at SK elections, narito ang mga dapat tandaan.

Una sa lahat, bago umalis ng bahay, alamin kung nasaan ang iyong polling precinct at ang status ng iyong profile sa pagboto kung ito ba ay aktibo pa.

Mas mabilis na itong malalaman sa pamamagitan lamang ng pagsearch online sa precinct finder ng Commission on Elections (Comelec).

Ang mga dapat at hindi naman dapat gawin sa mismong pagboto.

1. Gamitin ang folder upang takpan ang balota.
2. Iwasan ang mga bura at unnecessary marks sa balota.
3. Pagkatapos bumoto, isumite ang balota at huwag magtambay sa presinto upang mabigyan ng espasyo ang mga susunod na boboto.
4. Huwag bumoto ng higit sa isa o mag-susbstitute o maging kapalit ng ibang mga botante.
5. Huwag punitin o sirain ang balota.
6. Huwag kumuha ng litrato o selfie kasama ang balota.
7. Huwag mag-atubiling humingi ng gabay sa mga tauhan ng presinto para magabayan sa pagboto. Kapag senior citizen o pwd, maaaring magsama ng taong tutulong para sa pagboto.

Paalala din na ang pagboto ay gaganapin mula 7 a.m. hanggang 3 p.m.

Ang mga botante na may edad 15 hanggang 17 ay tatanggap ng balota para sa SK, habang ang mga botante na may edad 18 hanggang 30 ay tatanggap ng SK at regular na barangay ballot.

Ang mga botante na may edad 31 pataas naman ay tatanggap lamang ng balota na nakalagay ang pangalan ng mga kandidato para sa barangay election.