Ipagbabawal ng House of Representatives ang pagsusuot ng mga damit na may “political messages” sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Lunes, Hulyo 25.
Ang direktiba na ito ay nakapaloob sa isang memorandum na inilabas at nilagdaan ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza.
Lahat ng dadalo sa plenary hall at sa mga platform ng video conference ay dapat magsuot ng Barong Filipino (para sa mga ginoo), damit na Filipiniana (para sa mga kababaihan) o appropriate business attire.
Magsisimula ang SONA ni Pangulong Marcos bandang alas-4 ng hapon sa plenary hall ng Batasang Pambansa Complex sa Quezon City, na kung saan ay ang mga kongresista o tahanan ng mga miyembro ng Kamara.
Makakasama rin ang mga senador sa Batasang Pambansa para sa taunang talumpati.