BUTUAN CITY – Nakipagligsahan ang mga tauhan ng Police Regional Office 13 “Artistahing Pulis” para sa basketball friendship game for a cause laban sa mga casts ng TV series na ‘Ang Probinsyano’ na isinagawa sa Father Saturnino Urios University (FSUU) gymnasium kahapon.
Dumlo sa laro si Police Regional Office-13 Director BGen Pablo Labra II kasama ang mga men and women in uniform ng Police Regional Office 13 kasama na ang mga command groups.
Ang friendly match ay isang fund-raising activity ng PNP Caraga na magbibigay ng benepisyo sa adbokasiya kabataan lalo na sa mga sakop sa Kabataan Kontra Droga at Terorismo o KKDAT at yaong nasa ilalim ng Recovery and Wellness Programs.
Ang ang mga artistang kasama sa entourage ay kinabibilangan nina Jeric Raval, Marcos Alcaraz, Aljur Abrenica, Joko Diaz, Joross Gamboa, Mark “Big Mac” Andaya, Wendell Ramos, Diego Loyzaga, PBA superstar Arwind Santos at Katya Santos.