-- Advertisements --

Ipinasara ng Macau ang lahat ng mga casiono dahil coronavirus outbreak.

Ito na ang unang beses na nangyari matapos ang mahigit na dalawang taon.

Ipinag-utos kasi ng mga otoridad ang lahat ng mga non-essential businesses na isara ng isang linggo kabilang na ang mahigit 30 casinos.

Sa kalagitnaan kasi ng Hunyo ay mayroong mahgiit 1,500 na kaso ng COVID-19 ang naitala.

Aabot rin sa mahigit 19,000 na residente ang inilagay sa mandatory quarantine habang nagsasagawa ng solusyon ang gobyerno ng Macau na itinuturing na pinakamating kaso ng COVID-19 mula pa noong 2020.